Sunday, October 13, 2013

TUHOG MOVIE REVIEW

I. Pamagat
-TUHOG
II. Mga Tauhan
Eugene Domingobilang Fiesta Dacanay
Leo Martinez bilang Tonio Sucat
Enchong Dee bilang Caloy Sicat
Empress Schuck bilang Angel
Jake Cuenca bilang Renato 'Nato' Timbangkaya
Manuel Chua bilang Bobby
Nikki Valdez bilang Faith
Kitkat bilang Rochelle
Beauty Gonzalez bilang Jenna
Rodjun Cruz bilang Mark
Joe Vargas bilang Wayne
Dimples Romana bilang Lolet
Eda Nolan bilang Peachy
Noel Trinidad bilang Carding
Bodjie Pascua bilang Lando
Menggie Cobarrubias bilang Bert
Carla Martinez bilang Mercy
Jon Achaval bilang John
Nor Domingo bilang Pugeda
Hyubs Azarcon bilang Boyet
Nico Antonio bilang Adrian
Ariel Ureta bilang Dr. Nuguid
Allyzon Lualhati bilang Dr. Paz
Nicco Manalo bilang Dr. Sanchez
Maliksi Morales bilang street kid
III. Buod ng Pelikula
- Tatlong istorya ang kinauwian sa pelikulang tuhog dala ng isang bus aksidente na naging sanhi ng pag kakatuhog ng tatlo na si Leo Martinez bilang 'Tonio', Eugene Domingo bilang 'Fiesta' at Enchong Dee bilang 'Caloy'.
 Nagsimula ang kuwento sa tatlong nurse na nag uusap usap kung ilan ang buhay ng isang tao at may nakita silang tatlong tao na naka tuhog sa iisang bakal na naka sakay sa sasakyan. Habang inaalam ng mga doktor at nurse kung paano tatanggalin ang bakal na naka tuhog sa tatlong tao isa isang binalikan ang kuwento ng buhay nila.
Unang sinimulan ang kuwento ng buhay ni tonio, isang lalaking makakalimutin na matagal ng retirado sa kanyang trabaho at laging hinahanap ang kanyang lumang upuan. Sa sobrang pag kainip niya sakanilang bahay, nagagawa na lamang niya ang makipag laro sa mga kaibigan ng "Pusoy Dos". Nang tinawagan si tonio ng isa niyang kaibigan dali dali itong pumunta at sumakay ng bus. Nang bumaba si tonio sa sinasakyan niya bumili ito ng pandesal, ng matikman niya ito hindi niya gusto ang lasa. Dahil gusto niyang maging panadero, na isipan niyang mag tayo ng sariling panaderya at ginamit niya ang nakuhang retirement fee subalit, na lugi din ang kanyang negosyo.
 Ang sumunod naman na kuwento ay kay 'Fiesta'. Sobra namang madrama at madugo at tinik sa dibdib ang istorya ni fiesta, isang astig na konduktora na umibig sa isang gwapong bus driver na si 'Nato' habang pinag sisilbihan ang kanyang ama na sugapa sa alak. Sila ay iniwan ng kanyang ina kaya ganon na lamang ang pag aalaga niya sa kanyang ama. Sa pag lipas ng panahon, nalaman niya na may anak at asawa na pala ang kanyang kasintahan kaya sila nag hiwalay.
 At ang buhay naman ni 'Caloy'. Si caloy ay may long distance relationship sa kanyang kasintahan nag ngangalang 'Angel' na lagi niang ka txt. Si caloy ang taong nag reserba ng kanyang verginity para sa kanyang gf na nasa malayo. May nalaman si caloy tungkol sa kanyang kasintahan na may iba pala ito at ang buong akala niya siya ang una. Sa sobrang kakaisip ni caloy nag taksil siya kay angel, umalis si angel at hinabol niya ito. Sa kahuli hulihan nag decisyon na ang doktor kung sinong uunahing tatanggalin sakanilang tatlo, yun ay si tonio ang sumunod si caloy at ang huli ay si fiesta dahil nag dadalang tao siya mas pinili niya ang kanyang anak at inalagaan ito ng ng doktor at namatay na si fiesta. Dinalaw ni nato ang puntod ni fiesta at ang mga nabuhay nag kaayos ayos na ang mga problema nila sa buhay.
 IV. Banghay ng mga pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
- Sa iisang bus kung saan sila natuhog ng isang bakal.

b. Protagonista
-Leo Martinez (Tonio Sucat)
-Enchong Dee (Caloy Sicat)
-Eugene Domingo( Fiesta Dacanay)

c. Antagonista
- Ang batang kalye na hindi nila tinutulungan at pinag sasabihan pa nila ng masama kaya nasasabihan sila ng "Mamamatay ka"

d. Suliranin 
-Paano tatanggalin ang bakal sa tatlong naka tuhog.
-Ang asawa’t anak ni tonio ay hindi sumusuporta sa kanyang gusto.
·     -Kung kailan retired na ay saka lang gagawin ang pangarap sa buhay.
·     -Kung mag sisimula ng negosyo dapat may business plan.
·     -Marunong mag hintay kung kailan handa na ang kasintahan

e. Mga kaugnay na pangyayari o mga pagsubok sa paglutas ng suliranin
·     -Kailangan lagariin ang bakal at sunod sunod silang tatanggalin
·     -Naging maganda at maayos na ang kanilang buhay.
·     -Hanggang bata pa gawin na ang gustong gawin sa buhay.
·     -Ang pamilya ni tonio ay nag kasundo sundo na sakanyang negosyo, at nag tutulungan na sila.
      -Si fiesta naman, dahil mahal niya ang kanyang anak mas pinili niya itong mabuhay ayaw niang matulad sakanya ito na napag iwanan ng panahon kaya pinaalagaan niya ito sa doktor.
·      -Si caloy naman ay mag kasundo na sila ni angel. Nag kapatawaran na ito sa mga kasalanang nagawa.

f. mga ibinunga
- Naging masaya at maayos na ang pag sasama ng bawat isa.

V. Paksa o Tema
- Gaano kahalaga ang buhay.

VI. Mga aspektong teknikal
a. Sinematograpiya
- Maganda naman ang ang kinalabasan ng buong palabas.

b. Musika
-I'm Scared to Death - Kz Tandingan. Maganda ang kantang pinag tambalan nila sa pelikulang tuhog akmang akma sa eksena.

c. Visual Effects
- Kidlat (nung ma tapos sabihan ng street kid si caloy na "MAMATAY ka") at sa bus nag slow motion sila caloy, tonio, fiesta at yung bakal patusok sakanila

d. Set Design
- Maganda ang mga pinag gamitan nilang gamit.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
- Ipinapakita dito kung gaano kahalaga ang buhay ng isang tao o gano ka saya mabuhay. Hindi dapat sinasayang ang oras at panahon. Walang makakapag sabi kung kailan ka mamamatay o sino ang mabubuhay kaya dapat mabuhay ka ng parang wala ng bukas. Mahalin mo ang mga taong naka paligid sayo. Abutin mo ang mga pangarap mo ng may malakas na paninindigan, hindi yung kung kailan hindi mo na kaya dun ka lang makakapag isip ng mga gusto mong gawin. Hanggat kayang ayusin, ayusin na.Hindi maibabalik ang kahapong nalipasan mo na kaya hanggat humihinga ka mahalin mo ang bawat minuto ng iyong buhay. Kapag kumatok si kamatayan wala ka ng magagawa pa.
VIII. Pagsusuri
Maganda ang pelikulang tuhog para sa mga matatanda at bata dahil, pinapakita dito kung gaano kahalaga ang buhay sa mundo.

No comments:

Post a Comment