Tuesday, October 8, 2013

TALUMPATI NG ISANG BALEDIKTORYAN.

Isang mapag palang umaga sa inyong lahat punong guro, mga magulang at lalong lalo na sa aking mga kapwa mag aaral na mag sisitapos ngayon. Una sa lahat nag papasalamat ako sa panginoong diyos na laging gumagabay sa atin sa lahat ng oras. Nag papasalamat ako sa mga propesor na hindi nag sawang mag turo sa amin, nag pamahagi ng kaalaman para kami ay matuto sa lahat ng bagay. Nag papasalamat ako sa aking mga magulang na walang sawang sumusuporta sa akin na laging gumigising tuwing umaga para lang mag asikaso, hindi dahil sakanila wala ako dito sa magandang paaralan. Sa aking ama na walang tigil sa pag tatrabaho para lang makapag tapos kmi mag kakapatid ng pag aaral. Una natin natutunan ang mga salitang A-E-I-O-U o mga salitang katinig na unang tinuro sa atin ng mga magulang noong hindi pa tayo nag aaral sa paaralan. Kaya sa lahat ng mga magulang na nasa harapan ko ngayon saludo po ako sainyo!. Ito na, nag papasalamat ako sa mga naging ka blockmates ko at lalong lalo na sa mga naging totoo sa akin o sa mga naging close ko dahil sakanila umuuwi ako ng naka ngiti, sila ang nag papalakas ng loob ko sa tuwing down ako aminin natin hindi lahat ng bagay ay pwedeng ipamahagi sa ating mga magulang minsan nga mas maraming almam ang kaibigan kesa sa ating mga magulang. Alam natin sa ating mga sarili na ito ang ating pinakahihintay ang makapag tapos tayo. Maraming kabataan ang nangangarap makapag aral o makapag tapos ng pag aaral kaya mapapalad tayo mga aking kamag aral tayo ay magtatapos ng may kaalaman. Ngayon tapos na tayo may panibagong tatahakin nanaman tayo sa ating buhay mag hahanap tayo ng kanya kanyang trabaho mari ngang nag sasabi na mahirap daw kumuha ng trabaho kapag wala kang reperal sa isang kompanya. Yung dating ganyan ganyan lang makikita na nating manager na pala ang sarap pakinggan no? na manager ka sa isang company. Sana sa lahat ng nandito ngayon ay mag karoon ng mabuting kinabukasan at makahanap ng mabait na makakasama sa ating buhay. Ngayon uuwi tayo ng may ngiti sa ating mga labi dahil nalagpasan din natin ang apat na taon at mga pagsubok natin sa buhay. Congratulations Batch 2016.

No comments:

Post a Comment